PRAYER RALLY AT MISA LABAN SA OBANDO LANDFILL, MULING MAGAGANAP NGAYONG SABADO
admin | Sep 12, 2012 | Comments 8

Ang kontrobersyal at pinipitisyong high-tech daw na basurahan ng Ecoshield Development Corp. sa ilog ng Brgy. Salambao, Obando, Bulacan. Makikita rin sa larawan ang malawak na pagkakalbo ng mga punong-bakawan.
Wala rin itong tunay na konsultasyon sa mga mamamayan para mapagtibay kaya naman ganito na lamang ang pagtutol dito. Ayon naman sa SEC (Security and Exchange Commission), isang baguhang kumpanya ang nasa likod ng proyektong ito at ang Obando Landfill ang kanilang pinaka-unang proyekto. Pangamba ng mga Obandenyo, dahil walang karanasan sa pagtatayo at pagpapalakad ng isang sanitary landfill ang nasabing kumpanya ay baka raw gawing eksperimento lamang ang bayang Obando na puwedeng mauwi sa trahedya.
Upang hindi ito matuloy, isang prayer rally laban sa Obando Landfill ang muling gaganapin sa Sabado (September 15) na magsisimula ng 1pm sa Parokya ng Sta. Cruz (Brgy. Paco) at tutuloy hanggang sa Parokya ng San Pascual (Brgy. Pag-asa). Susundan agad ito ng isang misa.
Ang banal na pagkilos na ito ay bukas sa lahat ng nais makiisa.
Samantala, para naman sa mga hindi makadadalo dahil nasa malayong lugar o kaya’y may ibang pagkakaabalahan sa nasabing araw, mapapanood nang LIVE sa website na ito ang misa pati na rin ang ilang tagpo sa nasabing banal na pagkilos.
Filed Under: News
About the Author:
Yehey! ang bait ni Lord!, na grant yung wish ko…live stream…:)
What ever it is God is good in due time ika nga..
Keep praying fellow obandenians! No To Obando Landfill! God bless everyone!
SMA AKO JN……
kelan to al diko kse ma open sama ko
Huwag daw muna kaming sumama sabi ng organizer…pero sa buwan ng Oktubre, ang Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. ay lubos na makikiisa kasama ng aming mga kapatid sa Guardians…hindi kami papayag na matuloy itong walang pakundangang paninira ng ating kalikasan!
sino ba ang nagmono naman ito
Ang Dios ang namumuno sa Rally na ito. Ito ay para sa lahat ng mamamayan ng Obando.God bless our Home Town OBANDO!