October 6, 2012 – No To Obando Landfill Prayer Rally, Mass & Program

Muling pinamalas ng mga Obandenyo noong Sabado (October 6) ang pagtutol sa itinatayong basurahan sa ilog ng Brgy. Salambao.

Sa prayer rally na inorganisa ng facebook group na Obando Kami Ay Para Sa Iyo at CSPB Batch 1987, nagmartsa ulit habang nanalangin ang mga Obandenyo mula sa parokya ng Sta. Cruz sa Brgy. Paco patungong parokya ng San Pascual de Baylon sa brgy. Pag-asa. Dalangin nila’y maantig ang damdamin ng mga pinuno at justices ng bansa na huwag payagang masira ang mayamang kasaysayan ng Obando dahil sa basurang itatambak sa 44 hektaryang kailugan nito.

Sa diwang iyan, isinabay sa nasabing prayer rally ang mga pagtatanghal na grupong PUKAO  na ginanap sa harap ng mga nadaanang chapel o bisita.  Kinabilangan ito ng mga mahuhusay na kabataan na nagpamalas ng interpretative dance na sumasariwa sa mayamang kasaysayan ng Obando hanggang sa suliraning kinahaharap nito sa kasalukuyan. Ang pagtatanghal na ito ay nilapatan ng narration at pinamahalaan ni Direk Lawrence Contreras.

Pumarada rin sa nasabing banal na pagkilos ang No To Landfill float ng CSPB Batch ’87. Ang nasabing float ay sumasalamin sa pinsalang idudulot ng Obando Landfill sa ating kalikasan, lalo na sa kabuhayan at kalusugan ng mga Obandenyo.

Sinundan ito ng misa sa parokya ng San Pascual de Baylon sa pangunguna ni Rev. Fr. Avelino Sampana.

Nagkaroon din ng tulang panalangin na pinamunuan ni Gng. Emineth Bartolome. Dinasal ito habang nakasindi ang mga kandila ng mga nakiisa sa misa.

Pagkatapos, isang balagtasan ang ipinamalas ng ilang kasapi ng CSPB Batch 1987.  Tinalakay sa balagtasan ang pros and cons ng Obando Landfill.

Ang tulang panalangin, balagtasan at tulang binigkas ng batang si Mariela ay mula sa panulat ni Bb. Dory Cruz.

Nagtanghal ding muli ang grupong Pukao at sa huli ay nagpasalamat si Rev. Fr. Vince Hizon sa mga dumalo na patuloy na nanalangin para sa ikatatagumpay ng banal na pagkilos.

Buong galak ding naghandog ng panghuling mensahe si G. Emil Bartolome kung saan sinabi niya na ang Obando ay para sa mga taga-Obando at hindi sa mga dayuhan. Magtulong-tulong daw tayong ibalik ang kagandahan at kaayusan ng bayang ito.

Ang prayer rally, misa at mga programa ay napanood nang “LIVE” sa pamamagitan ng video streaming sa website na ito.

(Note: This is my nth revision to this article, my apologies for the previous incorrectness.) 


Part 1:
Prayer Rally / Interpretative dance

 

Part 2: Prayer Rally,  Interpretative dance , Direk Lawrence interview,
Ms. Cheen Layman intv. , and Ms. Corrie Claridades intv.

 

Part 3: Mass & Program with Corrie Claridades’ annotations
and interview of participants (Lola Imeng, Mr. Emil Bartolome, etc.)

 

Filed Under: NewsVideos

About the Author:

RSSComments (14)

Leave a Reply | Trackback URL

  1. Terpe Beltran says:

    Streaming is AWESOME! It's the closest thing to being in Obando….God Bless!

    • Salamat po for appreciating our efforts. Pagpasensyahan na ang paputol-putol ng feed dahil wireless internet signal dependent po ito. The stronger signal the better, but unfortunately hindi pa ganun kaganda ang condition nito sa ating bansa. Thanks for viewing.

  2. Emineth Bartolome Ibanez says:

    Thank you Obandenyo Obando Bulacan….Mabuhay ka!

  3. Ate Gladdy says:

    Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa naganap na prayer rally….Ang mga panalanging tula, Balagtasan at Tula ay sinulat pong lahat ni Bye. Dory Cruz at ang nasabi pong activity at mga pagtatangahal ay mula po sa Batch '87.

  4. Regina Marquez says:

    thank you to kababayans for what theyve done and to the people who made this possible….thank you Lord, You have brought us through the struggles together in spite of our differences……….

  5. so proud of you guys :) keep it up god bless us :) ))))).

  6. jp says:

    nice iba talaga kapag Obandenyo..
    bawal ang landfill sa Obando bawal ang basura sa Obando kaya sana sama sama tayo labanan ang landfill..

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.